Saturday, January 11, 2014

Art of Letting Go



1. The Lord will ask you to let go of the most important thing or person.
Ito ung moment na sasabihin ni Lord na iwan mo na yang bisyo na yan o kaya naman iwan mo na yung tao na yan. Kadalasan ito din ung mga bagay o tao na feeling mo di mo kayang i-let go dahil sobrang attached ka na dun. Pwede ding kaya di mo ma i-let go kasi nakasanayan mo na or natatakot ka lang talaga.

2.To let go, is a journey
Bat journey? Kasi di ba umakyat sina Abraham at Isaac sa bundok. Ung letting go pala ay proseso. Pwedeng mahaba, pwedeng mabilis depende sa bilis ng taong maglelet go. Kung gusto mo talagang maglet go kelangan simulan mo at ng matapos na yan.

3.Offer it whole heartedly
Kung maglelet go ka dapat walang matitira. Yung tipong walang pagiimbot. Dapat walang matira kasi pag may natira dyan babalik at babalikan mo lang yan. Bubuhayin mo tapos lalago ulit. Naglet go ka pa?

4.When God asks you to let go, He will give you something greater.
Gen 22:16 and said, "I swear by myself, declares the LORD, that because you have done this and have not withheld your son, your only son,
Gen 22:17 I will surely bless you and make your descendants as numerous as the stars in the sky and as the sand on the seashore. Your descendants will take possession of the cities of their enemies,

Kaya ka pala pinapalet go kasi may mas malaking bagay na ibibigay si Lord sayo. Hindi niya yan ipapagawa para pahirapan pero para matuto kang magtiwala sa kanya.


Totoo mahirap talaga maglet go ng mga bagay na nakasanayan mo ng gawin. Mahirap din iwan ang mga taong sanay ka ng kasama. Huwag kang matakot bumitaw kasi andyan naman si Lord para saluhin ka.