Monday, October 29, 2012

HOLDING HANDS.2

Ito ay isang pangyayari sa isang conference ng church namin. Naisip ko lang i-post, mukhang  kasing maganda yung story.Noong nakaraang Tuesday, October 23, nagkaroon ng National Conference yung church namin. Siyempre masiya kasi bless na bless ka sa mga binabahagi ng bawat Pastor. Sobrang ganda lahat ng messages nila.
Isa sa mga Pastors ay kumanta ng call me maybe.Siyempre nagulat ang lola mo, alam niyo naman allergic ako sa song na yun. Nashare ko na naman yun sa inyo sa holding hands.1 diba? Pero napangiti ako kasi bigla niyang sinabi. 
"Do you know that there's a Chrsitian version of that song?" 
Di ako sigurado kung yun yung eksaktong sinabi niya pero medyo ganun yung context. Tapos bigla niyang kinanta yung song (yung lyrics nasa side). Pagkatapos niyang kumanta mas nagulat ako sa sinabi niya.WARNING: di ulit ako sigurado kung ito yung exact words niya. 
"Ok, I want you to hold the hand of the person next to you."
OMG...kaloka si Pastor, apat lang kami dun sa row namin at sakto pa lalaki yung katabi ko. Pagtingin ko sa right side ko, magkahawak kamay na yung mga friends ko. Ibig sabihin lang si guy on my left ang pwedeng kapartner ko. Syempre awkward kami pareho, kaya walang holding hands na naganap.
"C'mon don't be shy. Just hold the person's hand don't worry"
Ay naloka ulit ako, nabasa pa ni Pastor yung nasa utak namin nung guy na katabi ko. Kaya kahit hesitant kelangan sumunod sa Pastor (Cute naman yung guy at tantya ko nasa 5'5 to 5'7 yung range ng height niya). Pasensya na, kelangan kong idescribe siya feeling ko kasi curious kayo.Alam mo na, You have to obey your Pastor. So kami ni guy on my left, naghawak kamay na. Yung hawakan namin di yung pang magjowa ah. Hmm, ayung para lang pagsasayaw. So as not to tire your brain from imagining click on this. Medyo ganyan pero ihorizontal mo lang.hahaha.
It wasn't the first time I held someone's hand but the thing is I don't even know the person. Take note total strangers kami. Sabi nung Pastor repeat after him tapos habang sinasabi mo yung lyrics titingin ka sa katabi mo. Ok so ginawa namin. Pero ito yung pinaka-Epic at pinaka-awkward moment.
"I'm yours forever." Bawat line talaga tumitingin kami sa isa't isa pero sa line na to isang swift look in the eyes lang. As in sobrang bilis lang. Nakakatawa kasi bigla kong naisip ang weird namang sabihin sa tao na yun ang "I'm yours forever" kasi parang iba yung dating whahaha lalo pa't lalaki yung kahawak kamay ko. Anyway, wag yan ang pagtuunan natin ng pansin. Jump tayo sa realization ko sa naganap na holding hand at pagkanta ng song sa taas.Naisip ko  kasi na ang isang bagay na negative kaya palang gawing positive. Tingnan mo yung call me maybe, di ba dati asar ako sa song na yan dahil sa "hey I just met you..here's my number so call me maybe" eh pwede naman palang "God I just met you, you love me crazy...I know you called me." Ngayon ko mas narealize lahat nagiging beautiful pagnakay Lord. It reminded me of the verse Isaiah 1:18

 "Come now, let us settle the matter," says the Lord. 

"Though your sins are like scarlet as snow; 
though they are red as crimson, they shall be like a wool"--NI

Si Lord kayang kaya ka niyang baguhin kelangan mo lang magkaroon ng relasyon sa kanya. Kapag may relasyon na kayo ni Lord, hawakan mo lang yung kamay niya. Makipagholding hands ka sa kanya at kantahin mo yung Christian version ng Call Me Maybe. Promise hindi siya bibitaw. Ako,hanggang ngayon magkaholding hands kami ni Lord. Minsan maraming hirap ang nadadanas ko pero kumakapit parin ako sa kanya. Naiisip ko kasi parati kapag bumitaw ako kay Lord, san ako pupunta? San ako pupulitin. At para din sa mga singles dyan (ehem), kay Lord mo muna sabihin yung "I'm yours forever" at sa kanya ka muna makipagholding hands( -.- ). Don't worry kasi yung other half mo nasa kabilang kamay ni Lord. At the right time and the right moment, ibibigay ni Lord yung kamay nung tayo na yun at sasabihin niya sayo, "Anak, ito na ang YOURS forever mo(maliban sa akin). Sige HOLDING HANDS na kayo." 

No comments:

Post a Comment