Tuesday, October 23, 2012

Isnabero


Isa akong late bloomer na writer. Grade 6 ako ng madiskubre ko ang aking talento sa pagsulat. Gumawa kami ng tula ukol sa Global Warming at ang alam ko ang wikang Filipino ang aking unang ginamit. Hindi ko maalala kung ano yung tula pero mataas ang nakuha kong marka ( :D ). Simula noon nahilig na akong gumawa ng tula na kinalaunay nakakabuo na ako ng essay at maikling kwento. Sa totoo lang hirap ako magsulat sa wikang Filipino, una dahil hindi ako taga Maynila, Bikol ang salita namin kaya minsan may mga salitang hindi ko alam ang katumbas sa tagalog. Ikalawa, dahil mas mahilig akong gumamit ng english ( impluwensiya ng english teacher kong nanay ). 
Teka hindi naman ito yung gusto  kung iparating sa inyo. Kani-kanina nag-iisip ako ng mga bagay na nangyayari sa isang manunulat kapag meron ideyang pumasok sa utak niya. Hmm. ano nga ba? Sa sitwasyon ko madami pero ang pinakadominant na ginagawa ko ay ang isulat ang nasa utak ko. Minsan four-liners na tula lang yung nagagawa ko pero sinusulat ko at hinahanapan ko ng bagong ideyang maidudugtong. Nanghihinayang kasi ako sa mga letra ng tula na pwede kong maubo kahit hindi kumpleto isusulat at isusulat ko parin ito. Ako yung uri ng manunulat na me sumpong, mali yata ako lahat ata ng manunulat ay sumpungin. Oo, sumpungin sa mga ideya. Kapag meron isusulat at kapag tinamaad pababayaan ang nasimulang letra. Kapag sinipag naman ilang araw akong magiging balisa sa mga pwede kong maidagdag sa aking nasimulan. Kapag di ko gusto ang sinulat ko, kung wala sa basurahan ang draft nasa notebook na panay cross-out ng itim na bolpen. Yung tipong scribbles tapos maraming ex o kaya strike through sa mga letra, ganun yun. Yung ibang manunulat kaya ganun din ba ginagawa nila. Maganda magsulat ng magsulat. Una kong naging paborito yung tula. Gusto ko lahat rhyming words, yung pwedeng gamitin nina Francis M.,Gloc-9, T.O.P, GD at Eminem sa kanilang mga kanta. Nakaka asiwa kasi kapag hidi tugma ang mga letra ng isang tula parang naririndi ang tenga ko sa tunog o baka naman hindi lang ako ganun ka flexible sa pagsusulat ng tula. Sa short story naman, gusto ko tragic love story. Hindi ko masyadong trip ang happy ever after na love story hindi ko kasi genre yun pero minsan gusto ko din subukan. Sa mga essays naman siyempre kung ano paksa na ibigay eh di yu ang gagawan ko. Sa blogs, hmm. masasabi kong reflection ito ng sarili ko. Para yung blog ang nagpapakita ng personality ko. Kung makasabi ng "reflection ito ng sarili ko" parang ang dami ko ng entry, hahaha. Ito kasi yung parang lalagyan ko ng mga ideya na fresh-from-the-brain. Sa ngayon nag-iisip na naman ako ng bagong maisusulat pagkatapos ng entry na to. Sa totoo niyan meron ng nakapilang ideya sa utak ko na habang nagsusulat ako ngayon ay binabagabag niya naman ang utak ko (simultaneous event lang). 
Hala sige tama na hanggang dito na lang muna maibabahagi ko sa inyo. Ay konting , paalala sa mga taong hindi mahilig magsulat at medyo nawewerduhan sa mga manunulat.

Kapag ang isang manunulat ay may naisip na isulat kelangan niya ng katahimikan. Kahit nasaang lugar yan titigil at titigil siya para maisulat ang ideyang bumabagabag sa kaya. Delikado sialng kausapin kapag bigla silang nanahimik paniguradong giyera aabutin mo. Malamang sa malamang sasabihin nila "SHUT UP".

No comments:

Post a Comment