Bente uno anyos na ako pero isa sa mga pinakamahirap gawin para sakin ay ang pagtawid sa kalsada. Wala akong pinipili, street, crossing o highway man yan. OO, hindi ako marunong tumawid. Lakas na siguro ng tawa mo (hahaha) kasi ako natatawa din ako sa tuwing nahihirapan akong tumawid. Kadalasan natatagalan ako sa kanto ng kalsada kakaantay ng red light. Kapag walang streetlights, peds o kaya footbridge ang hinahanap ko. Naisip ko kasi, sayang ng buhay ko kung masasagasaan lang ako. Ang pangit din ng itsura ko sa kabaong. Baka magmukha pa akong giniling na karne. Kawawa naman ako dahil lang sa pakikipagpatintero sa mga sasakyan mamatay ako,ayoko nga. Isa pa sayang naman ng pondo ng gobyerno sa mga streetlights, pedestrian lane at footbridge kung di ko gagmitin. Eh di parang sinayang ko na rin ang tax na binabayad ng mga magulang ko at ng ibang Pilipino. Ano ba naman ang konting tingala sa streetlight at mag-antay ng red light? Hindi naman siguro mauubos enerhiya ko sa katawan kung maglalakad ako sa tamang pedestrian o kaya umakyat sa matarik na footbridge. Safety ko pinag-uusapan kaya mas mabuti ng sumunod sa batas. Pero aaminin ko guilty parin ako minsan sa di pagtawid sa tamang oras at tamang tawiran. Marami kasi sa mga kaibigan ko alam ang sitwasyon ko sa pagtatawid kaya kadalasan hinihila nila ako. Naririndi sila sa tili ko kasi sobrang takot ako tumawid. Ayoko ng ginawa ko pero nagagawa ko kasi may kasama ako. Binabago ko yung ugali na yun kasi nga nagagawa ko naman sumunod sa batas kapag ako lang ang nasa kalsada.
Bago matapos ang entry nato, maitanong ko lang? bakit ba trip na trip ng mga Pilipino ang tumawid sa mga lugar na hindi pwedeng tawiran? Hindi ko din maintindihan. Siguro malakas lang talaga trip natin, di kasi tayo kontento na tao at maliit na kalsada lang ang elemento ng patintero. Mas trip ata natin yung patintero kasama ang mga sasakyang humaharurot, malaki o maliit man sila. Feeling siguro natin sasagipin tayo ni Captain Barbel kapag malapit na tayong masagasaan o mas gusto lang natin yung blood rush or adrenalin rush. Seryoso, di ko talaga alam ang sagot. Nakakatawa nga tayo kasi meron ng karatulang nagsasabing "BAWAL TUMAWID NAKAMAMATAY" pero tuloy pa rin. Kadalasan marami silang tumatawid para kahit di pa oras tumawid titigil ang mga sasakyan para pagbigyan sila. Ganyan kaya nakikita ko, eh di dagdag traffic pa. Oh di ba, para lang yang domino effect. Una, tumawid ka at ng iba pang jaywalkers ng wala sa oras biglang titigil yung mga sasakyan para makatawid ka, maliban sa sumimangot si manong drayber eh nalate pa yung mga pasahero niya. Kaloka, di ba. Simula sa araw na to susunod na ako sa pedestrian lane, footbridge at streetlight kahit pa hilahin ako ng kasama ko. Ayoko sumama sa mga jaywalkers, kung gusto ko mag-improve ang Pilipinas kelangan disiplinahin ko ang sarili ko sa mga maliliit na bagay. Ayoko namang dumating ang araw na biglang lumapit ang isang MMDA sa akin tapos sabihin niyang "Gusto mo mamatay? Sige tawid ka."
No comments:
Post a Comment