Wednesday, November 21, 2012

STOP STARING AT ME

"Sometimes people are stupid to look at their destiny and stay on their place. Yeah, it's good to wait for things to happen but I think it would still be great to step forward towards that dream rather than staying at the window STARING AT it."-aziel corporal-

After posing for some pictures, I browsed the photos and chose this as the best. I was so happy about the outcome that I even posted this on my twitter account. Yesterday, I decided to post it on my facebook account (ladyazielc). I was thinking of a special caption and ended up talking about staring at your destiny

Like this picture, I am a girl who keeps staring at my dreams on my window pane. I'm just merely looking or sometimes glancing on them but my heart is never really determined that I need to do something. I used to work as a call center agent, for 2 years and a half in the BPO industry, and enjoyed it. On my first year, my mother kept on urging me to go back to school. I told her that I'm still saving for my studies but the truth is I'm enjoying work that I don't want to go back to school anymore. On the contrary, my heart longed for school but work dragged me -- dreams forgotten. How I wanted a different future but I didn't do anything. A lot of excuses were made, simply because I did not want to get near them.

By fate, I was awakened from the habit of staring. Last 2010, a pastor shared about running after your dreams and it was not yet too late to do so. That moment was like a fast truck - a total impact. 


Yeah, that was me before. Stupid for staying in the window pane for along time. I did enjoy the view, but never reached it. Near yet so far. I have waited too much and thought about the right timing to fight for my dreams. I didn't know then that dreams will never step on you; instead you should be the one stepping towards them

Now, I am conscious that going through the journey is still the best. I have never felt much alive now that I'm doing something. 


It feels better...




...than sitting and watching my dreams from a distance.

Monday, October 29, 2012

HOLDING HANDS.2

Ito ay isang pangyayari sa isang conference ng church namin. Naisip ko lang i-post, mukhang  kasing maganda yung story.Noong nakaraang Tuesday, October 23, nagkaroon ng National Conference yung church namin. Siyempre masiya kasi bless na bless ka sa mga binabahagi ng bawat Pastor. Sobrang ganda lahat ng messages nila.
Isa sa mga Pastors ay kumanta ng call me maybe.Siyempre nagulat ang lola mo, alam niyo naman allergic ako sa song na yun. Nashare ko na naman yun sa inyo sa holding hands.1 diba? Pero napangiti ako kasi bigla niyang sinabi. 
"Do you know that there's a Chrsitian version of that song?" 
Di ako sigurado kung yun yung eksaktong sinabi niya pero medyo ganun yung context. Tapos bigla niyang kinanta yung song (yung lyrics nasa side). Pagkatapos niyang kumanta mas nagulat ako sa sinabi niya.WARNING: di ulit ako sigurado kung ito yung exact words niya. 
"Ok, I want you to hold the hand of the person next to you."
OMG...kaloka si Pastor, apat lang kami dun sa row namin at sakto pa lalaki yung katabi ko. Pagtingin ko sa right side ko, magkahawak kamay na yung mga friends ko. Ibig sabihin lang si guy on my left ang pwedeng kapartner ko. Syempre awkward kami pareho, kaya walang holding hands na naganap.
"C'mon don't be shy. Just hold the person's hand don't worry"
Ay naloka ulit ako, nabasa pa ni Pastor yung nasa utak namin nung guy na katabi ko. Kaya kahit hesitant kelangan sumunod sa Pastor (Cute naman yung guy at tantya ko nasa 5'5 to 5'7 yung range ng height niya). Pasensya na, kelangan kong idescribe siya feeling ko kasi curious kayo.Alam mo na, You have to obey your Pastor. So kami ni guy on my left, naghawak kamay na. Yung hawakan namin di yung pang magjowa ah. Hmm, ayung para lang pagsasayaw. So as not to tire your brain from imagining click on this. Medyo ganyan pero ihorizontal mo lang.hahaha.
It wasn't the first time I held someone's hand but the thing is I don't even know the person. Take note total strangers kami. Sabi nung Pastor repeat after him tapos habang sinasabi mo yung lyrics titingin ka sa katabi mo. Ok so ginawa namin. Pero ito yung pinaka-Epic at pinaka-awkward moment.
"I'm yours forever." Bawat line talaga tumitingin kami sa isa't isa pero sa line na to isang swift look in the eyes lang. As in sobrang bilis lang. Nakakatawa kasi bigla kong naisip ang weird namang sabihin sa tao na yun ang "I'm yours forever" kasi parang iba yung dating whahaha lalo pa't lalaki yung kahawak kamay ko. Anyway, wag yan ang pagtuunan natin ng pansin. Jump tayo sa realization ko sa naganap na holding hand at pagkanta ng song sa taas.Naisip ko  kasi na ang isang bagay na negative kaya palang gawing positive. Tingnan mo yung call me maybe, di ba dati asar ako sa song na yan dahil sa "hey I just met you..here's my number so call me maybe" eh pwede naman palang "God I just met you, you love me crazy...I know you called me." Ngayon ko mas narealize lahat nagiging beautiful pagnakay Lord. It reminded me of the verse Isaiah 1:18

 "Come now, let us settle the matter," says the Lord. 

"Though your sins are like scarlet as snow; 
though they are red as crimson, they shall be like a wool"--NI

Si Lord kayang kaya ka niyang baguhin kelangan mo lang magkaroon ng relasyon sa kanya. Kapag may relasyon na kayo ni Lord, hawakan mo lang yung kamay niya. Makipagholding hands ka sa kanya at kantahin mo yung Christian version ng Call Me Maybe. Promise hindi siya bibitaw. Ako,hanggang ngayon magkaholding hands kami ni Lord. Minsan maraming hirap ang nadadanas ko pero kumakapit parin ako sa kanya. Naiisip ko kasi parati kapag bumitaw ako kay Lord, san ako pupunta? San ako pupulitin. At para din sa mga singles dyan (ehem), kay Lord mo muna sabihin yung "I'm yours forever" at sa kanya ka muna makipagholding hands( -.- ). Don't worry kasi yung other half mo nasa kabilang kamay ni Lord. At the right time and the right moment, ibibigay ni Lord yung kamay nung tayo na yun at sasabihin niya sayo, "Anak, ito na ang YOURS forever mo(maliban sa akin). Sige HOLDING HANDS na kayo." 

Holding Hands.


A post from a friend's timeline in Facebook
 Call me maybe is a famous song of Carly Rae Jepsen. The song's beat is really good probably that's the reason why it was so famous specially to teenagers. Honestly I did like the song but after searching the song's lyrics I started to hate it (If I did like a certain song, I would search for it's lyrics and would analyze the message). Whenever I hear the song, I would put my hands on my ears just as not to hear the song. For me the song is so flirtatious. Can you imagine a girl who just met a random guy then gives her number? Duh, that's FLIRTATION. Sorry to anyone who is currently reading this one. I may sound so old-fashioned or "manang" in Filipino but the heck I care. The song is literally saying that it's okay to flirt with someone. If you are a girl, you shouldn't be doing that. A girl should be the one being chased not the one chasing after a guy (thank God I received wisdom from You and my Pastor about how girls should be treated).I hope girls out there won't be doing such stupid thing. Girls if you want a boyfriend God will give it to you at the right time. Don't hurry too much you'll just worn out yourself giving your number (hahaha).

Tuesday, October 23, 2012

Isnabero


Isa akong late bloomer na writer. Grade 6 ako ng madiskubre ko ang aking talento sa pagsulat. Gumawa kami ng tula ukol sa Global Warming at ang alam ko ang wikang Filipino ang aking unang ginamit. Hindi ko maalala kung ano yung tula pero mataas ang nakuha kong marka ( :D ). Simula noon nahilig na akong gumawa ng tula na kinalaunay nakakabuo na ako ng essay at maikling kwento. Sa totoo lang hirap ako magsulat sa wikang Filipino, una dahil hindi ako taga Maynila, Bikol ang salita namin kaya minsan may mga salitang hindi ko alam ang katumbas sa tagalog. Ikalawa, dahil mas mahilig akong gumamit ng english ( impluwensiya ng english teacher kong nanay ). 
Teka hindi naman ito yung gusto  kung iparating sa inyo. Kani-kanina nag-iisip ako ng mga bagay na nangyayari sa isang manunulat kapag meron ideyang pumasok sa utak niya. Hmm. ano nga ba? Sa sitwasyon ko madami pero ang pinakadominant na ginagawa ko ay ang isulat ang nasa utak ko. Minsan four-liners na tula lang yung nagagawa ko pero sinusulat ko at hinahanapan ko ng bagong ideyang maidudugtong. Nanghihinayang kasi ako sa mga letra ng tula na pwede kong maubo kahit hindi kumpleto isusulat at isusulat ko parin ito. Ako yung uri ng manunulat na me sumpong, mali yata ako lahat ata ng manunulat ay sumpungin. Oo, sumpungin sa mga ideya. Kapag meron isusulat at kapag tinamaad pababayaan ang nasimulang letra. Kapag sinipag naman ilang araw akong magiging balisa sa mga pwede kong maidagdag sa aking nasimulan. Kapag di ko gusto ang sinulat ko, kung wala sa basurahan ang draft nasa notebook na panay cross-out ng itim na bolpen. Yung tipong scribbles tapos maraming ex o kaya strike through sa mga letra, ganun yun. Yung ibang manunulat kaya ganun din ba ginagawa nila. Maganda magsulat ng magsulat. Una kong naging paborito yung tula. Gusto ko lahat rhyming words, yung pwedeng gamitin nina Francis M.,Gloc-9, T.O.P, GD at Eminem sa kanilang mga kanta. Nakaka asiwa kasi kapag hidi tugma ang mga letra ng isang tula parang naririndi ang tenga ko sa tunog o baka naman hindi lang ako ganun ka flexible sa pagsusulat ng tula. Sa short story naman, gusto ko tragic love story. Hindi ko masyadong trip ang happy ever after na love story hindi ko kasi genre yun pero minsan gusto ko din subukan. Sa mga essays naman siyempre kung ano paksa na ibigay eh di yu ang gagawan ko. Sa blogs, hmm. masasabi kong reflection ito ng sarili ko. Para yung blog ang nagpapakita ng personality ko. Kung makasabi ng "reflection ito ng sarili ko" parang ang dami ko ng entry, hahaha. Ito kasi yung parang lalagyan ko ng mga ideya na fresh-from-the-brain. Sa ngayon nag-iisip na naman ako ng bagong maisusulat pagkatapos ng entry na to. Sa totoo niyan meron ng nakapilang ideya sa utak ko na habang nagsusulat ako ngayon ay binabagabag niya naman ang utak ko (simultaneous event lang). 
Hala sige tama na hanggang dito na lang muna maibabahagi ko sa inyo. Ay konting , paalala sa mga taong hindi mahilig magsulat at medyo nawewerduhan sa mga manunulat.

Kapag ang isang manunulat ay may naisip na isulat kelangan niya ng katahimikan. Kahit nasaang lugar yan titigil at titigil siya para maisulat ang ideyang bumabagabag sa kaya. Delikado sialng kausapin kapag bigla silang nanahimik paniguradong giyera aabutin mo. Malamang sa malamang sasabihin nila "SHUT UP".

Sunday, October 21, 2012

Gusto mo mamatay? Sige tawid ka.


Bente uno anyos na ako pero isa sa mga pinakamahirap gawin para sakin ay ang pagtawid sa kalsada. Wala akong pinipili, street, crossing o highway man yan. OO, hindi ako marunong tumawid. Lakas na siguro ng tawa mo (hahaha) kasi ako natatawa din ako sa tuwing nahihirapan akong tumawid. Kadalasan natatagalan ako sa kanto ng kalsada kakaantay ng red light. Kapag walang streetlights, peds o kaya footbridge ang hinahanap ko. Naisip ko kasi, sayang ng buhay ko kung masasagasaan lang ako. Ang pangit din ng itsura ko sa kabaong. Baka magmukha pa akong giniling na karne. Kawawa naman ako dahil lang sa pakikipagpatintero sa mga sasakyan mamatay ako,ayoko nga. Isa pa sayang naman ng pondo ng gobyerno sa mga streetlights, pedestrian lane at footbridge kung di ko gagmitin. Eh di parang sinayang ko na rin ang tax na binabayad ng mga magulang ko at ng ibang Pilipino. Ano ba naman ang konting tingala sa streetlight at mag-antay ng red light? Hindi naman siguro mauubos enerhiya ko sa katawan kung maglalakad ako sa tamang pedestrian o kaya umakyat sa matarik na footbridge. Safety ko pinag-uusapan kaya mas mabuti ng sumunod sa batas. Pero aaminin ko guilty parin ako minsan sa di pagtawid sa tamang oras at tamang tawiran. Marami kasi sa mga kaibigan ko alam ang sitwasyon ko sa pagtatawid kaya kadalasan hinihila nila ako. Naririndi sila sa tili ko kasi sobrang takot ako tumawid. Ayoko ng ginawa ko pero nagagawa ko kasi may kasama ako. Binabago ko yung ugali na yun kasi nga nagagawa ko naman sumunod sa batas kapag ako lang ang nasa kalsada. 
Bago matapos ang entry nato, maitanong ko lang? bakit ba trip na trip ng mga Pilipino ang tumawid sa mga lugar na hindi pwedeng tawiran? Hindi ko din maintindihan. Siguro malakas lang talaga trip natin, di kasi tayo kontento na tao at maliit na kalsada lang ang elemento ng patintero. Mas trip ata natin yung patintero kasama ang mga sasakyang humaharurot, malaki o maliit man sila. Feeling siguro natin sasagipin tayo ni Captain Barbel kapag malapit na tayong masagasaan o mas gusto lang natin yung blood rush or adrenalin rush. Seryoso, di ko talaga alam ang sagot. Nakakatawa nga tayo kasi meron ng karatulang nagsasabing "BAWAL TUMAWID NAKAMAMATAY" pero tuloy pa rin. Kadalasan marami silang tumatawid para kahit di pa oras tumawid titigil ang mga sasakyan para pagbigyan sila. Ganyan kaya nakikita ko, eh di dagdag traffic pa. Oh di ba, para lang yang domino effect. Una, tumawid ka at ng iba pang jaywalkers ng wala sa oras biglang titigil yung mga sasakyan para makatawid ka, maliban sa sumimangot si manong drayber  eh nalate pa yung mga pasahero niya. Kaloka, di ba. Simula sa araw na to susunod na ako sa pedestrian lane, footbridge at streetlight kahit pa hilahin ako ng kasama ko. Ayoko sumama sa mga jaywalkers, kung gusto ko mag-improve ang Pilipinas kelangan disiplinahin ko ang sarili ko sa mga maliliit na bagay. Ayoko namang dumating ang araw na biglang lumapit ang isang MMDA sa akin tapos sabihin niyang "Gusto mo mamatay? Sige tawid ka."

Monday, February 13, 2012

Makeover on Me


                        Last December I received a gift from my discipler, a special gift that helped me understand myself where I am with my walk with the Lord. The gift was actually a book written by Sharon Jaynes entitled Experience The Ultimate Makeover. I hope that you will get a copy of the book so that you would experience the makeover. Sharon Jaynes was really awesome, I swear. Well, If you don't have a copy you may try checking my review of the book.I'm gonna share things that I learned from each chapter of the book. Come and journey with me.